Naaalala ko nung bata pa ako, Ikaw ang pinakaunang idolo ko,
Ni minsan hindi mo ako pinalo, Dahil sa akoy iyong paborito
Lahat ng luho binibigay mo, Kahit maubusan man ang bulsa mo
Basta ba sa ikakaligaya ko, bibili ka ng kung ano-ano.
Sukli ko rin sa’yo ay pagmamahal at paghanga
kaya nga Ako’y nagsumikap at di nagbabarkada
Sa pag-aaral ay mas lalo akong sagana.
Magagandang marka lagi ang aking dala.
Naaalala ko rin nung nag-high school na ako
Syempre may mga boys na umaaligid sa beauty ko
Second year ako noon ng maranasan ko unang
palo mo
Sipa at sampal sa harap ng mga kaklase ko.
Hindi ko naintindihan kung bakit, Ganoon na lang ang tindi ng galit
Paliwanag ng nanay at pinakamatandang kapatid
Na ikaw ay hayaan, at mawala rin ang galit.
Nagsumikap pa rin ako sa pag-aaral, Pinapakita ko pa rin sa’yo ang pag-mamahal
Pilit inintindi at sinunud ang pangaral, magandang asal pa rin pinapairal.
Buhat noon, parang ikaw ay palaging galit
sa’kin
Lahat ng activities ay ayaw mo akong pasalihin
Ewan ko pero masakit talaga sa damdamin
Na ika’y nagbago at gusto mo akong kulungin.
Kasama sa pag-aaral ko ang mga contest na
sinasalihan
Bagamat, isang tadyak, palo at latigo ang
nakamtan
Masakit para sa’kin ang ganitong karanasan
Bagkus ika’y aking ama, aking naintindihan, At ikaw pa rin ay iginagalang.
Mahal kong tatay, alam ko na ako’y mahal mo
Kaya sa aking puso’t isipan sinasabi ko
Balang araw kalayaan ay makakamtan ko, Titiisin ko ang lahat ng ito.
Bagamat noong ako ay patapos na sa kolehiyo
Latay ng latigo sa katawan tinatamasa ko
Wala akong karapatang makisaya yun ang sabi mo
Sa harap ng maraming tao pinapahiya mo ako.
Mga kaibigan ko sa paaralan, Silang lahat ay nag-iiyakan
Awang-awa sa aking kalagayan
Sabi ko wala ito, kami ng tatay ko ay
naglalambingan lamang
Wala kang naririnig mula sa’kin
Lahat ng sakit at hapdi kinikimkim
Luha ko ay tinatago ko rin, Upang di mo malaman ang tunay kong hinaing
Akala ko ang lahat ay magbabago
Nung tapos na ang pag-aaral ko at nagkatrabaho
Sa isang paaralan dahil sa ako’y isang guro
Na iniidolo ng mga kabataan lalo na
estudyante ko
Bagamat tumitindi lalo, Paghihigpit mo sa akin todo
Nabansagan tuloy ako, Titser na pinapalo ng tatay ko
Tinatanong kita minsan, Bakit ako’y iyong pinagsusungitan
Wala ba akong karapatan, Lumigaya at may sariling kalayaan?
Ikaw’y hindi nakapagsalita,
Pero nakita ko sa mga mata mo ang pagluha
Ramdam ko kahit ikaw’y hindi nagsasalita,
Tunay na pagmamahal ng isang ama.
Gayunpaman, tinikis kita, Noong ako’y nagdesisyon na mangibang bansa
Di ka pumayag pero nilabanan kita,
Kitang kita ko ang lungkot ng iyong mga mata.
Sa araw ng pag-alis ko,
Nasabi ko sa sarili nakamit ko rin kalayaan ko
Pero bakit nalulungkot ako.
Hanggang ngayon umiiyak pa rin ang aking puso.
Patawarin mo ako mahal kong tatay. Sa sama ng loob na aking ibinigay
Sinusubukan ko lang namang mabuhay.
Maging malaya at magtagumpay sa buhay.
No comments:
Post a Comment
Thank you and have a great day.