Instagram

Ebates.ca

Saturday, January 07, 2017

For My Beloved Mother


Para sa Mahal Kong  Nanay 

Babaeng isang dakila
Sa buhay ay laging handa
Kapalit man nito ay wala
Isusulong lahat ng madarama
Pagmamahal at pag-aaruga.

Pamilya ang sa kanya'y mahalaga
Lahat ng bagay marunong umunawa
Isasakrispisyo ang lahat sa kanya
Upang mahal sa buhay ay guminhawa.

Nanay, dakila ka nga ba?
OO ang simpling sagot, sya na nga!
simpling tao, bagkus ang saloobin nya
Ay daig pa ang isang mandirigma.

Araw-araw nanay ay nakikipagbakbakan
Ito ay hindi sa madugong digmaan
Kundi sa realidad ng buhay lumalaban
Maitawid lang ang buhay na inaasam-asam.



No comments:

Post a Comment

Thank you and have a great day.

Popular Posts